stiltz arrow

Bakit perpekto ang Stiltz Home Lift para sa bawat tahanan?

Kung nahihirapan ka nang gumamit ng hagdan o kung nagpaplano ka na para sa hinaharap at gusto mong ‘i-future proof’ ang iyong tahanan, sa range ng mga Stiltz home lift, madali ka nang makakaakyat at makakababa nang hindi kinokompromiso ang estilo at dekorasyon ng bahay mo.
Masasakyan nang maayos at tahimik ang simple at eleganteng Stiltz home lift papunta sa mga palapag ng bahay sa pamamagitan ng mga self-supporting slim rail nito na nagbibigay-daan para magamit ito kung kailan mo kailangan, at hindi ito nakakasagabal sa lahat ng iba pang pagkakataon. Dahil wala itong kinakailangang hydraulic o pansuportang pader, puwedeng isaksak ang lift sa karaniwang domestikong saksakan at simple at madali itong gamitin sa pag-akyat at pagbaba sa mga palapag – lahat ng ito sa pamamagitan lang ng pagpindot sa isang button.

stiltz house lifts duo logo

Napakadali ng pagkilos sa tahanan sa pamamagitan ng matibay na Stiltz Duo range ng mga home lift. Umakyat at bumaba nang wala pang 30 segundo sa sosyal, ligtas, at maginhawang paraan. Bumabagay sa anumang dekorasyon ang Duo Home Lift at madali itong gamitin.

  • Maliit na footprint na umaabot lang ng 0.55m2
  • Kaya nitong magsakay ng hanggang 2 tao
  • Elegante, transparent at kurbadong car body
  • Smooth at tahimik

Mahalin ang aking home lift. Naipakita na ito sa ilang kaibigan at ang dalawang kapwa Parkinson’s ay nagkaroon na ng Stiltz lift na naka-install bilang resulta. Pinadali nito ang ating buhay.

Mrs Lees via Trustpilot

Ang aming Stiltz lift ay isang napakalaking tagumpay. Ito ay napatunayang 100% maaasahan mula noong na-install ito 2 taon na ang nakakaraan, at ito ay makinis at tahimik sa paggamit. Limang bituin at kabuuang rekomendasyon

Mr & Mrs Pybus via Trustpilot

Napakahalaga ng Stiltz Homelift. Mas maaga sa taong ito ay nagkaroon ako ng kabuuang pagpapalit ng tuhod at imposibleng umakyat sa hagdan kung wala ito.

Mr Payne via Trustpilot

stiltz trio house lifts logo

Ang Stiltz Trio+ ay mas malaking home lift na idinisenyo para magkasya ang isang wheelchair na may karaniwang laki. Kaya naman nitong magsakay ng hanggang 3 tao. Mayroong transparent na car body ang home lift para manatili itong mukhang simple.

  • Maliit na footprint na umaabot lang ng 1.25m2
  • Kayang magsakay ng hanggang 3 tao/wheelchair na may karaniwang laki
  • Opsyon na buong pinto o kalahating pinto
  • Opsyong Single Entry o Thru Car

Ang home lift na palaging nariyan para suportahan ka

Importanteng desisyon ang paglalagay ng home lift sa iyong tahanan. Gayunpaman, sa Stiltz, pinagsisikapan naming matiyak na ang lahat ng tungkol sa aming mga elevator sa bahay, hanggang sa pinakamaliit na detalye nito, ay magiging ligtas, maganda, at simpleng gamitin.

lift for homes guide rail

Huwag magkompromiso ng floor space

Kapag wala ka sa palapag kung nasaan ang iyong home lift, magagamit mo pa rin ang floor space kung saan nakalagay ang residential elevator dahil sa aming clever design. Walang kahit anong bakanteng espasyo sa aming mga lift.

obstruction detection image for Stiltz lift for homes

Pag-detect ng harang

Awtomatikong nade-detect ng mga built-in na sensor ang mga harang sa itaas o ibaba ng Stiltz home lift kapag ginagamit ito sa paglipat sa pagitan ng mga palapag. Hihinto kaagad nang dahan-dahan ang iyong elevator sa bahay hanggang sa maalis ang nakaharang na bagay.

Stiltz lifts for homes simple control panel image

Simpleng control panel

Simple lang at madaling maunawaan ang paggamit ng iyong home lift sa pamamagitan ng madaling gamiting mga hold-to-run na control. Nasa tamang lugar ang lahat. Para sa karagdagang kaligtasan at seguridad, puwedeng i-lock ang control panel gamit ang susi.

Stiltz house lifts small footprint

Maliit na footprint

Dahil compact ito at hindi lumalampas ng 104cm x 76cm (0.5m2) ang sukat nito, maraming opsyon sa paglalagyan ang Mga Stiltz Home Lift kung kaya nagkakaroon pa rin ng malaking espasyo para sa iyong mga kagamitan sa bahay. Ang elevator sa bahay ay isa sa mga pinakamaliit na lift na available sa Japan.

Self supporting structure

Self-supporting na istruktura

Hindi tulad sa karamihan ng iba pang residential elevator, hindi kailangan ang mga load-bearing wall sa Stiltz Home Lift. Tumatakbo ang Stiltz Home Lift sa sarili nitong mga vertical rail na naka-fix sa kisame at sa sahig, na nagbabawas sa ingay at vibration.

stiltz house lifts plug and play picture

Plug at play

Aba, muntik na. Direktang naisasaksak ang iyong Stiltz home lift sa karaniwang domestikong saksakan at gumagamit lang ng kuryenteng katumbas ng pagpapakulo ng tubig sa takure. Ibig sabihin nito, isa ang aming mga residential elevator sa pinakamatipid sa enerhiya na nasa merkado.

Stiltz lifts for homes intergrated drive system image

Integrated na drive system

Napakaligtas, napakatibay, at napakatahimik ng advanced wire rope hoist system na ginagamit sa mga Stiltz home lift. Nakatago ito sa loob ng itaas na bahagi ng lift nang sa gayon ay hindi na ito mangailangan ng hydraulic o external na makina.

Stiltz house lifts ergonomic and stylish design image

Ergonomic at eleganteng disenyo

Minimalist, kontemporaryo at may pinakamagandang detalye, ang disenyo ng aming mga elevator sa bahay ay nakakaakit at bumabagay sa anumang estilo ng dekorasyon sa bahay. Puwede itong ilagay halos kahit saan.

Stiltz lifts for homes remote control image

Remote control

Bilang pamantayan, may kasamang dalawang remote control ang lahat ng home lift ng Stiltz para magamit ang lift sa alinmang palapag, anumang oras na gustuhin mo. Puwedeng bumili ng mga karagdagang unit nito kung kinakailangan.

Bagay kahit saan. Kontrolado mo ang iyong home lift

Ang maganda sa home lift ng Stiltz, puwede itong ilagay halos kahit saan sa iyong tahanan. Sa gilid ng sala, sa kusina, sa cupboard, sa pagliko ng hagdan o sa landing na may gallery. Dahil hindi na kailangan ng Stiltz ng mga load-bearing wall at ito lang ang available na freestanding na elevator sa bahay, puwede mo rin itong ilagay bilang sentro ng kwarto!

Standard installation image

Pangkaraniwan

Ito ang aming pinakapopular na paglalagay – dadaan ang home lift sa pagitan ng kwarto sa baba ng bahay gaya ng sala, paakyat, karaniwan sa master bedroom.

Stairwell Void/Landing Image

Bakanteng Espasyo/Landing ng Hagdan

Kapag may sapat na espasyo sa pagliko ng hagdan, nagagamit ng posisyong ito ang bakanteng espasyong iyon at nagiging mas hindi nakakasagabal ang home lift ng Stiltz.

Cupboard to Cupboard installation image

Cupboard sa Cupboard

Salamat sa pagiging compact ng home lift ng Stiltz, puwede mo itong piliing ilagay sa tagong lugar gaya ng airing cupboard o wardrobe para talagang hindi ito makasagabal.

Sloping/vaulted ceilings installation image

Mga sloping/vaulted ceiling

Kailangang nakakabit sa pahalang na surface ang aming mga vertical rail. Pero huwag kang mag-alala kung mayroon kang vaulted ceiling. Madidiskartehan ng mga building team ng Stiltz ang mga pagkakabit sa pitched na bubong.

Garage installation image

Garahe

Kung gusto mong ligtas na makapasok sa bahay mula sa garahe sa labas, puwede kaming gumawa ng simpleng shaft sa paligid ng iyong Stiltz internal lift para matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan at kaligtasan.

Thru-car installation image

Thru-Car

Natatangi sa mga Stiltz na residential elevator ang ThruCar na konsepto – available para sa Trio+. Pumasok at lumabas sa magkabilang dulo ng lift car – ideal para sa mga gumagamit ng wheelchair o para sa mga lift na nakakabit sa bakanteng espasyo sa hagdan.